Pinagbabawalan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang publiko sa pagkain ng shellfish sa ilang lugar sa bansa.
Ito ay dahil sa apektado ng red tide ang baybaying dagat ng Daram island, Irong-irong at Cambatutay bays sa Western Samar; Matarinao bay sa Eastern Samar; Coaster Waters ng Leyte at kasama ang Biliran province.
Apetktado rin ng red tide ang baybaying dagat sa Gigantes islands sa Carles Iloilo pati na ang baybaying dagat sa Dauis at Tagbilaran city sa Bohol.
Apektado rin ng red tide ang Balite bay sa Davao Oriental at Puerto Princesa sa Palawan.
Maari namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimango bastas sisiguraduhin lamang na sariwa at maayos na nahugasan ang mga ito. Kinakailangan lamang ayon sa BFAR na tanggalin ang hasang at kaliskis at lutuing mabuti.
Ligtas naman na sa red tide ang Carigara bay sa Leyte.