1.8 milyong Grade 9 students, kukuha ng NCAE

Students-school-openingAabot sa 1.8 milyong Grade 9 students mula sa public at private schools sa buong bansa ang kukuha ng National Career Assessment Examination na nakatakdang isagawa sa March 1, 2, 2017.

Isasagawa ang NCAE sa pamamagitan na rin ng Bureau of Educational Assessment.

Layunin ng NCAE na mabatid ang aptitude at occupational interest ng mga estudyante sa senior high school.

Umaasa rin ang DepEd na sa pamamagitan ng pagsusulit, mabibigyan ang mga estudyante ng career guidance.

Sakop ng career assessment ang General Scholastic Aptitude (GSA), Occupational Interest Inventory (OII), at Aptitude para sa senior high school tracks.

Read more...