Magnitude 4.1 na aftershock naitala sa Surigao City

LINDOLNaitala ang magnitude 4.1 na aftershock sa Surigao City ngayong hapon.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang pagyanig alas 5:18 ng hapon at ang epicenter nito ay naitala sa 13 kilometer South ng Surigao City.

May lalim lamang na 11 kilometers ang lindol.

Naramdaman ang intensity 5 sa nasabing lungsod bunsod ng panibagong aftershock.

Simula ng tumama ang 6.7 magnitude na lindol sa Surigao del Norte, magnitude 4.9 ang pinakamalakas na aftershock na naitala ng Phivolcs.

 

Read more...