Sinabi ito ni Atty. Romulo Macalintal, election lawyer ni Robredo matapos na ideklara ng presidential electoral tribunal na may sapat na form and substance ang electoral protest ng dating senador.
Ayon kay Macalintal, magpa-file sila ng motion for reconsideration sa Presidential Electoral Tribunal (PET) bilang una nilang legal remedy.
Sakali naman aniyang magpasya ang PET na ituloy ang pagdinig sa kaso, ito ay kanilang igagalang.
Kumpiyansa si Macalintal na oras na matapos ang lahat ng proseso si Vice President Robredo ang mangingibabaw.
Dagdag ni Macalintal, naniniwala sila sa kakayahan, integridad at pagiging patas ng mga bumubuo sa PET sa kabila ng umiiral na political landscape kung saan malakas sa kasalukuyang administrasyon si Bongbong Marcos.
Kontra si Vice President Leni Robredo na ma-appoint si dating Senador Bongbong Marcos sa Dept of interior and Local Government (DILG).
Paliwanag ni Robredo, hindi pa kasi napapanagutan ng mga Marcos ang ginawa nito sa bansa.
Samantala naniniwala rin si Robredo na hindi dapat na mag -asam ang dating senador ng cabinet position lalo’t hindi pa tuluyang natutupad ng pamilya nito ang mga ipinaguutos sa kanila ng korte.
Nakakatakot din aniya ang nasabing senaryo dahil sa posibilidad na ulitin ni Marcos ang ginawa ng ama nito.
Posible rin aniyang gamitin ni Marcos ang DILG para sa ambisyong politikal nito dahil magkakaroon ito ng pagkakataon na makausap ang mga lokal na opisyal sa buong bansa.