Ito ay matapos na mangako si Trump na magpapalabas siya ng bagong executive order at papalitan ang kaniyang kontrobersiyal na direktiba na nagsususpinde sa pagtanggap ng mga mamamayan mula sa pitong Muslim countries.
Sa isinagawang news conference sa White House, sinabi ni Trump na sa bagong EO, tutugunan ang mga kataungan at concerns ng federal appeals court judges.
Ang orihinal na utos ni Trump na inilabas noong January 27, ay nagresulta ng international protests at reklamo mula sa mga negosyante sa US.
Sa inihaing mosyon sa korte, umapela ang Justice Department na itigil muna ang pagdinig sa 9th US Circuit Court of Appeals.
Sinabi din sa korte ng Justice Department na mababalewala naman ang naunang utos ng Trump administration dahil maglalabas ito ng bago.