Imbestigasyon ng DOJ kay Sen. De Lima sa Bilibid drug trade, tuloy ayon sa Court of Appeals

De-Lima-Vitaliano-AguirreIbinasura ng Court of Appeals ang petisyon ni Senator Leila De Lima para sa Temporary Restraining Order na humihiling na mapigilan ang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) laban sa kaniya.

Base sa tatlong pahinang resolusyon ng CA Special 6th Division na may petsang February 10, 2017 at isinulat ni Associate Justice Nina Antonio Valenzuela, sinabi nito na nabigo si De Lima na magpakita ng katibayan na siya ay daranas ng irreparable injury kapag hindi pahihintuin ang imbestigasyon ng DOJ.

Sinabi ng CA na hindi sapat ang paratang ni De Lima sa kanyang petisyon dahil ang mahalaga nagharap siya ng katibayan para maging batayan sa hininingi niyang TRO.

Binigyan naman ng CA ang DOJ na magsumite ng komento sa loob ng sampung araw at sampung araw din ang kay De Lima para maghain ng reply o tugon sa oras na matanggap na niya ang kopya ng komento ng DOJ.

Sinabi ni De Lima sa kanyang petisyon na walang hurisdiksyon ang DOJ sa mga reklamong inihain laban sa kanya at ang tamang humawak ng imbestigasyon ay ang tanggapan ng Ombudsman.

 

Read more...