Mga establisimiyento sa Amerika, hindi nagbukas bilang pakikiisa sa ‘Day Without Immigrants’ protest

 

Ilang mga tindahan at establisimiyento sa Amerika ang hindi nagbukas ngayong araw bilang pakikibahagi sa ‘Day Without Immigrants’ Protest.

Ilang mga palengke sa Italian Market sa Philadephia, USA ay naging matahimik at maging mga fine dining restaurants sa New York ay nagsara rin.

Nakiisa rin sa protesta ang maraming mga grocery stores, food truck at mga taco restaurants sa Chicago at Boston.

Maging ang isang coffee shop sa US Senate na pinagtatrabahuhan ng mga immigrants ay hindi rin nagbukas ngayong araw.

Hindi rin nagsipasukan ang mga immigrants sa kanilang mga klase at trabaho upang ipadama kay US President Donald Trump ang kanilang pagkondena sa polisiya nito ukol sa pagpapasok ng mga dayuhan sa bansa.

Ngayong araw rin nakatakdang idaos ang ‘A Day Without Immigrants’ march sa US Capitol sa Washington upang iparamdam sa Trump administration ang kahalagahan ng mga immigrants sa ekonomiya ng Amerika.

Read more...