Higit 70 patay, 150 sugatan sa suicide bombing sa isang shrine sa Pakistan

 

Umakyat na sa 72 ang bilang ng namatay sa pagpapasabog ng isang suicide bomber sa isang shrine o dambana sa bansang Pakistan.

May pangamba pa ang mga otoridad sa posibilidad na madagdagan ang naturang bilang dahil umaabot sa 150 pa ang sugatan sa insidente.

Naganap ang pagpapasabog sa mataong lugar ng Lal Shahbaz Qalandar shrine sa bayan ng Sehwan Sharif.

Isang suicide bomber ang bigla na lamang pumasok sa loob ng naturang dambana na puno ng mga tao at pinasabog ang kanyang sarili.

Agad namang kinondena ni Pakistan Prime Minister Nawaz Sharif ang pinakahuling insidente ng pambobomba.

Inako naman na ng Islamic State ang madugong pagpapasabog.

Read more...