Dalawang magkaibigan tinambangan, patay sa Navotas

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang magkaibigan na sina Jason Rivera 32-anyos at Zoren Quesio, 20, matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Market 3, Navotas Fishport.

Ayon kay Riza Camille Peñapil, asawa niZzoren at 8-buwang buntis, hindi bababa sa 3 suspek ang nakita niyang pumatay sa kanyang asawa at kaibigan nito.

Hindi nakilala ng ginang ang mga salarin dahil may suot umanong maskara ang mga ito, pero muntikan umano din siyang barilin ng mga suspek kung hindi siya nahila papalayo.

Sinabi pa ni Riza na sinasabi sa kanya ng mga suspek na hindi nag-‘intrega’ ang kanyang asawa na si Zoren.

Aminado naman ang ginang na gumagamit ng bawal na gamot ang kanyang asawa pero itinanggi na nagtutulak ito.

Sa crime scene, walang nakuhang basyo at o bawal na gamot ang mga otoridad.

Read more...