Duterte iniugnay ni Trillanes sa Immigration bribery scandal

duterte-trillanes1
Inquirer file photo

Alam ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tangkang pangingikil ni dating Immigration Deputy Commissioner Al Argosino sa Chinese gambling tycoon na si Jack Lam.

Ito ang inihayag ni Sen. Antonio Trillanes IV sa pagdinig ng Senado ukol sa bribery scandal sa Bureau of Immigration.

Ayon kay Trillanes, hindi maisasagawa ang pangingikil kung walang pagpayag ng pangulo.

Binanggit din ng senador na sa Davao City ay si Duterte ang hari at lahat ng ilegal na gawain.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee, inilantad ni Trillanes ang palitan ng text messages ni Argosino at umano’y middleman ni Lam na si dating police officer Wally Sombero.

Sa nasabing text messages, binanggit ni Argosino na mayroon silang pulong sa isang tao na malakas ang koneksyon kay Pangulong Duterte.

Inilahad ni Trillanes na ang nasabing tao na makakapulong ni Argosino ay si Kim Wong na isa sa mga naging supporter ni Duterte.

Si Wong ay isang Chinese casino owner na idinadawit sa bank heist scandal noong nakaraang taon. Nabatid din na nais pasukin ni Wong ang negosyo ni Jack Lam.

Read more...