Bahagi ng Mindanao muling nilindol

Earthquake
Inquirer file photo

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang ilang bahagi ng Southern at Central Mindanao ngayong araw ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Philvocs).

Ang epicenter ng lindol ay natagpuan sa Digos City sa lalawigan ng Davao Del Sur.

Naganap ang pagyanig kaninang 2:27 ng hapon kung saan ang origin ay tectonic.

Naramdaman din ang lindol sa Davao City at sa ilang bahagi ng lalawigan ng Sarangani.

Wala namang natanggap na ulat tungkol sa mga nasaktan o nasirang establishment ang Philvocs at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Noong nakaraang Biyernes, walo katao ang nasawi habang marami ang nasugatan sa pagtama ng 6.7 magnitude na lindol sa Surigao Del Norte.

Read more...