Election protest ni Marcos vs VP Leni Robredo, tuloy ayon sa PET

leni-bongbong-0516Ibinasura ng Presidential Electoral Tribunal (PET), ang hiling ni Vice President Leni Robredo na mabasura ang election protest na inihain laban sa kaniya ng nakatunggali niya noong May 2016 elections na si dating Senador Bongbong Marcos.

Sa resolusyon na may petsang January 24, 2017, ibinasura lang ng PET ang mosyon ni Robredo na na nagsasabing hindi pwedeng ituloy ang kaso dahil sa kawalan ng hurisdiksyon ng PET at dahil hindi sapat sa form at substance ang protesta.

Tinalo ni Robredo si Marcos sa pamamagitan ng 263,473 votes na ayon sa dating senador ay isang pandaraya.

Ikinatwiran ni Marcos ang umano’y pre-shading ng mga balota, malawakang vote buying, pagbabago ng script sa transparency server na sinasabing nagbago sa resulta ng mga boto, pre-loaded secure digital cards, maling pagbabasa ng mga balota, malfunctioning ng vote counting machines at abnormal na un-accounted votes o undervotes sa posisyon na vice president.

Hiniling ni Robredo sa PET na ibasura ang kaso dahil ang mga grounds aniya ni Marcos ay hindi pwedeng magamit sa poll protest at ang alegasyon ng pandaraya at vote buying ay serye lang aniya ng mga wild accusations.

Gayunman, hindi sinang-ayunan ng PET ang nasabing pahayag ng kampo ni Robredo.

“Accordingly the Tribunal resolves to deny protestee’s prayer to dismiss the Election Protest for lack of jurisdiction and for being insufficient in form and substance,” ayon sa PET.

 

 

 

Read more...