Common-law wife ni Pangulong Duterte may P200M halaga ng bank accounts

duterte honeyletMaliban sa P2.2-billion bank deposits sa mga account na pag-aari umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sinabi ni Senator Antonio Trillanes IV na mayroon ding halos P200 million na halaga ng bank accounts ang kaniyang common-law wife na si Sielito “Honeylet” Salvador Avanceña.

Sa kaniyang press briefing sa senado, ipinakita ni Trillanes ang mga dokumento na nagsasaad na si Avanceña ay mayroong P187,159,085.90 na halaga ng bank transactions simula July 14, 2004 hanggang March 4, 2016.

Pinakamalaking transaksyon na nairekord ay ang cash deposit na aabot sa P4,349,709 noong December 29, 2014 na ipinasok sa Bank of the Philippine Island (BPI) main branch sa Davao.

Dalawang hiwalay na transaksyon pa na nagkakahalaga ng P3,112,010.54 at P3,085,136.54 na parehong inter-account transfers ang naitala sa account ni Avanceña noong May 13, 2015.

Sa nasabing mga dokumento na mula kay Trillanes, para lamang sa taong 2016, sunud-sunod na transaksyon ang naganap sa account ni Avanceña.

January 8, 2016, cash deposit – P887,100.00 sa BPI-Davao main
January 18, 2016, cash deposit – P1,500,000 sa BPI-Davao main
February 1, 2016, inter-account transfers – P646,182.44 sa Metropolitan Bank
February 11, 2016, check deposit – P621,725 sa Metropolitan Bank
February 19, 2016, inter-account transfers – P3,323,867.90 sa BPI-Davao main
February 19, 2016, inter-account transfers – P3,323,867.90 sa BPI-Davao main
February 19, 2016, inter-account transfers – P3,323,867.90 sa BPI-Davao main
February 19, 2016, time deposit pre-termination-credit memo – P3,323,867.90 sa BPI-Davao main
March 4, 2016, inter-account transfers of P571,611.13 sa Metropolitan Bank

Magugunitang noong bago ang May 2016 elections ibinunyag ni Trillanes ang pagkakaroon ng P2.2 billion na halaga ng bank deposits ni Duterte mula 2006 hanggang 2015.

 

 

 

Read more...