Isa pang babaeng suspek sa pagpatay sa kapatid ni Kim Jong Un, inaresto sa Malaysia

kim jong unNaaresto na ng mga otoridad sa Malaysia ang ikalawang babae na hinihinalang may kuneksyon sa pagpatay kay Kim Jong Nam, ang half-brother ni North Korean leader Kim Jong Un.

Sa ulat ng state news agency sa Malaysia na Bernama, kinumpirma ng inspector general sa nasabing bansa ang pagkakaaresto sa hindi pa pinangalanang suspek at sinabing ito ay nakakulong na ngayon.

Inaasahang magbibigay ng pormal na anunsyo si Inspector General Khalid Abu Bakar hinggil sa pagkakadakip ng suspek.

Noong Miyerkules, isang babae din ang dinakip ng Malaysian police hinggil sa nasabing insidente.

Vietnam travel papers umano ang hawak ng nasabing unang suspek.

 

 

Read more...