Kung ikukumpara sa temperatura kahapon, mas lumamig pa sa Metro Manila ngayong Huwebes, February 16, 2017.
Ayon sa PAGASA, naitala nila ang pinakamababang temperatura na 19.1 degrees Celsius sa Science Garden sa Quezon City alas 6:00 ng umaga.
Kahapon naitala ang 19.6 degrees na pinakamababang temperatura sa Metro Manila.
Noong January 8, 2017 ang pinakamalamig na temperatura na na naitala sa Metro Manila ngayong taon na 19 degrees Celsius.
Samantala, bagaman malamig pa rin, tumaas ng bahagya ang temperatura sa Baguio City.
Alas 5:50 ng umaga, naitala ng PAGASA ang 8.0 degrees Celsius na minimum temperature sa lungsod.
Mas mataas ito kumpara sa malamig na 7.3 degrees na naitala kahapon.
Samantala sa Tugegarao, 18.3 degrees Celsius ang pinakamababang temperatura na naitala Huwenes ng umaga.