Mga residenteng naninirahan sa tabing ilog sa Davao City, pinalilikas na

Davao City Flood Advisory Feb 16Dahil sa malakas at tuloy-tuloy na buhos ng ulan na nararanasan sa Davao City, tumaas na ang tubig sa tatlong ilog sa lungsod.

Sa abiso sa Facebook page ng Davao City Government, itinaas na ang orange code o “high water level” sa Talomo River, Matina River at Lipadas River.

Dahil dito, pinayuhan na ng pamahalaang lungsod ang mga residenteng naninirahan sa paligid ng nasabing mga ilog na agad nang magsagawa ng preemptive evacuation dahil maari na silang makaranas ng pagbaha.

“Residents along riverbanks and areas vulnerable to flooding are urged to immediately conduct preemptive evacuation,” ayon sa abiso.

Sa parehong abiso sinabi ng Davao City government na ligtas pa naman ang mga residente sa palibot ng Davao River at Lasang River.

 

Read more...