Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha at landslides sa nasabing mga lugar.
Habang yellow warning naman ang umiiral sa Misamis Oriental, Camiguin, Bukidnon, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Agusan Del Norte, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Sarangani, General Santos City, Cotabato City, South Cotabato, North Cotabato, Maguindanao at Sultan Kudarat.
Dahil naman sa nararanasang pag-ulan na dulot ng tail-end ng cold front, sinuspinde na ang klase sa mga bayan ng Polomolok, Tupi at Surallah sa South Cotabato.
Sa anunsyo ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRMMC) sa lugar suspendido ang klase mula pre-school hanggang elementarya sa public at private high schools.
Sa huling abiso ng PAGASA, kabilang ang South Cotabato sa nakasailalim sa yellow heavy rainfall warning.