Benhur Luy, dismayado sa tangkang pagpapa-acquit kay Janet Napoles

 

Isang malaking palaisipan sa kampo ng pork barrel scam whistleblower na si Benhur Luy kung bakit mistula silang binabaligtad ng kasalukuyang administrasyon.

Ang reaksyon ng kampo ni Luy ay bilang tugon sa hakbang ng Office of the Solicitor General na mapalaya sa pagkakakulong ang tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles.

Ayon sa source ng Inquirer, dismayado si Luy at mistulang bumabaligtad ang gobyerno sa naturang kaso at nag-aalala rin sa kanilang kalagyan.

Una rito, naghain ng manifestation in lieu of a rejoinder sa Court of Appeals si Solicitor General Jose Calida na naglalayong mapawalang sala si Napoles sa kasong serious illegal detention.

Si Luy ang nagsisilbing principal whistleblower sa pork barrel scam kung saan itinurong utak dito si Napoles na nakakulong na ngayon sa Correctional Institute for Women.

Siya ang nagsilbi noong finance officer ni Napoles na may hawak ng mga records kung sinu-sino ang nakinabang sa naturang anomalya.

Nasa ng Witness Protection Program si Luy kasama ang ilan pang witness sa kasong plunder nina dating Senador Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile na umano’y nakinabang sa kanilang pork barrel.

Una nang isiniwalat ng Philippine Center for Investigative Journalism na malapit kay Pangulong Duterte ang mga abogado ni Napoles na sina Stephen at Lanee David at na-appoint pa ang huli bilang deputy commissioner ng BIR.

Read more...