DILG gustong pa-markahan ang mga bahay na ‘drug-free’ na

 

Pinaplano ng DILG na lagyan ng selyo o marka ang mga kabahayang drug-free o walang bahid ng iligal na droga

Ayon kay DILG Secretary Mike Sueno, inatasan na nya ang peace and order council ng bawat barangay sa bansa na tukuyin kung anu-anong mga bahay ang hindi apektado ng ilegal na droga.

Pagkatapos nito, didikitan ng stickers o selyo ang mga baturang tahanan na patunay na walang gumagamit ng ilegal na droga doon o transakyson ng iligal na droga sa kada bahay.

Layunin umano ng pagseselyo na mahikayat ang bawat pamilyang Pilipino at maging ang mga kapitbahay ng mga ito na lansagin ang droga sa kanilang komunidad.

Pagtitiyak ni Sueno, hindi magiging marahas ang bagong hakbang na ito na tila pamalit ng pamahalan sa Oplan Tokhang ng PNP.

Read more...