Sec. Sueno, OK lang kahit mapalitan sa DILG

 

Tanggap ni Interior and Local Government Secretary Ismael ‘Mike’ Sueno sakaling magpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin siya sa posisyon.

Sinabi ito ni Sueno sa harap ng mga lumulutang na balita na balak ni pangulo na i-appoint si dating senador at natalong vice presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos bilang bagong DILG secretary.

Ayon kay sueno, “they serve at the pleasure of the president” at bahagi ng kapangyarihan ni Pangulong Duterte ang pagpili ng mga miyembro ng kanyang Gabinete.

Hindi rin aniya siya nasaktan sa nasabing mga balita.

Para kay Sueno, business as usual at tuloy ang pagtupad niya sa kanyang trabaho hangga’t may basbas ni pangulo.

Read more...