Mining industry pinapatay ni Sec. Lopez-COMP

 

Ev Espiritu/Inquirer

Nangako ang mga mining companies na patuloy na lalabanan ang naging desisyon ni Environment Secretary Gina Lopez na kanselahin ang nasa 75 mga mining contracts dahil sa negatibong epekto nito sa kabuhayan at negosyo.

Ayon sa Chamber of Mines of the Philippines, umaabot sa $22 bilyong dolyar na halaga ng mga proyekto na nakalaan sana para sa mga Pilipino ang nanganganib na mabalewala dahil sa naging desisyon ng Kalihim.

Ayon kay Ronald Recidoro, vice president for legal and policy affairs ng COMP, wala na silang nakikitang kinabukasan sa ilalim ng pangunguna ni Lopez sa DENR dahil nais lamang nitong patayin ang industriya ng pagmimina.

Ayon naman kay Dante Bravo, presidente ng Global Ferronickel Holdings Inc. posibleng mapagastos ng husto ang gobyerno sakaling ituloy ng mga kumpanya ang paghahain ng kaso sa korte dahil sa ginawa ng Kalihim.

Bukod sa 23 mining companies na ipinasara ni Sec. Lopez, kinansela na rin nito ang nasa 75 mining contracts.

Read more...