Maiinom na tubig, problema pa rin sa mga lugar na nilindol

 

Ilang araw matapos ang malagim na lindol sa Surigao City ay problema pa rin hanggang ngayon ng maraming mga residente ang pagkukunan ng malinis na inuming tubig.

Kaya naman sinabi ni Usec. Ricardo Jalad, Executive Director ng NDRRMC na ang water filtration system ang pansamantala nilang tugon sa problema.

Maliban sa tubig ayon kay Jalad ay wala naman nang iba pa problema katulad sa pamamahagi ng relief assistance sa mga tinamaan ng kalamidad.

Samantala, sinabi naman ni Engr. Elmer Tecson ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Surigao na patuloy ang kanilang pangangalap ng impormasyon para mabatid ang tunay na kalagayan ng mga nabiktima ng kalamidad.

Sinagot naman ng City Public Information Officer na si Annette Villaces ang reklamo ng ilang mga residente hinggil sa mabagal umanong relief distribution.

Samantala, bakas pa rin ang pinsala sa mga lugar naapektuhan ng magnitude 6.7 na lindol.

Magkagayunman, kung mayroon mang higit na apektado sa delubyo na nangyari,iyon ay ang mga bata na natigil ang pag-aaral pansamantala dahil ginawang evacuation centers ang kanilang mga paaralan.

Read more...