Magnitude 4.0 na aftershock, tumama sa Surigao City

Phivolcs Aftershock Feb 15Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang Surigao City na bahagi pa rin ng aftershock ng magnitude 6.7 na lindol na tumama sa Surigao Del Norte noong Biyernes.

Naitala ng Phivolcs ang panibagong aftershock alas 8:35 ng umaga ng Miyerkules sa bahagi ng 10 kilometer South ng Surigao City.

May lalim lamang na 9 kilometers ang pagyanig.

Dahil sa nasabing aftershock, naramdaman ang Intensity IV sa Surigao City at Intensity I sa San Francisco, Southern Leyte.

Samantala, alas 11:23 ng umaga, muling nagkaroon ng pagyanig na magnitude 2.6 sa Surigao City.

Ayon sa Phivolcs, naitala naman ang Intensity I sa nasabing lungsod bunsod ng nasabing aftershock.

 

 

Read more...