2 pulis na suspek sa pagpatay sa babaeng miyembro ng citizen watch sa Mindoro, inilipat na sa NBI

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon
Nailipat na sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang police official na itinuturong pumatay sa babaeng miyembro ng citizen watch sa bayan ng Gloria, Oriental Mindoro.

Mula sa Bansud District Jail dinala ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sina Police Sr. Insp. Magdaleno Pimentel at Police Inspector Mark Sol Ameranes.

Mahigpit ang ipinatupad na seguridad ng mga tauhan ng BJMP sa mga suspek na nakaposas at nakasuot pa ng bullet proof best ang dumating sa NBI sa Maynila.

Ang dalawa ay inilipat sa piitan ng NBI matapos ipag-utos ng Supreme Court na mailipat sa Manila Regional Trial Court (RTC) ang pagdinig sa kasong murder na kinakaharap ng mga ito.

Hiniling kasi ng pamilya ng biktimang si Zenaida Luz na mailipat sa Metro Manila ang paglilitis sa kaso dahil takot silang maimpluwensyahan ng mga suspek ang hukom na hahawak ng kaso sa Mindoro.

Pinagbabaril ng dalawang police official na nagtakip pa ng mukha ang nasawi noong nakalipas na taon.

Read more...