Anti-Martial Law activists, nagkasa ng kilos-protesta sa 31st anniversary ng People Power Revolution

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Umapela sa publiko ang grupo ng mga kontra-Martial Law na makiisa sa gaganaping kilos-protesta sa paggunita ng ika-31 anibersarsyo ng EDSA People Power Revolution.

Paalala ng grupong February 25 Movement, samahan ng 60 organisasyon na anti-Martial Law, hindi dapat kalimutan na lang ang matagumpay na pagpapatalsik sa diktaturyang Marcos matapos ang 21-taon.

Ipapanawagan rin umano ng grupo ang pagtigil sa nagpapatuloy na pagpatay kasunod ng kampanya ng gobyerno kontra-iligal na droga.

Aminado naman ang mga biktima ng Martial Law, tulad ni dating Commission on Human Rights Chairperson Etta Rosales na hamon sa kanila ang ipaalam sa mga ‘millennials’ ang kahalagahan ng ipinaglaban noon ng 3 milyung Pilipino na nag-martsa sa EDSA noong 1986.

Ikakasa ang protesta na tinaguriang ‘The Power of We’ sa February 25 sa People Power Monument sa Quezon City.

Read more...