Naganap ang pamamaril alas 11:30 ng gabi ng Huwebes, February 14 habang patungo sa Pagadian City ang Rural Transit Bus na may body number na 9554.
Sa insiyal na imbestigasyon, gumamit ng M16 rifle ang mga suspek na mabilis na nagsitakas matapos ang pamamaril.
Agad na nakahingi ng tulong sa checkpoint ng Philippine Marines ang driver ng bus para ireport ang insidente.
Nakilala ang mga nasugatang pasahero ng bus na sina Reneil Abong, George Elnas, Christopher Caigan, Jaman Alam, Noel Lopez, Genevie Lopez, Ednalyn Gilla at John Baynosa.
Dinala sa Zamboanga City Medical Center ang mga nasugatang pasahero.