Temperatura sa Baguio City, bumagsak sa 7.3 degrees Celsuis

File Photo | Contributed by Grace Gacosta
File Photo | Contributed by Grace Gacosta

Lalo pang lumamig ang temperatura sa Baguio City Miyerkules ng umaga, February 15.

Sa datos mula sa PAGASA Baguio Synoptic Station, naitala sa lungsod ang 7.4 degrees Celsius alas 5:00 ng umaga pero bumaba pa ito sa 7.3 degrees Celsius alas 6:00 ng umaga.

Ito na ang pinakamababang temperatura na naitala sa Baguio City ngayong taong 2017.

Payo naman ng Office of the Civil Defense-Cordillera Administrative Region (OCD-CAR) sa mga residente at turista sa Baguio City, magsuot ng makakapal na damit, sombrero o bonnet, gwantes at scarf panlaban sa lamig.

Samantala sa Metro Manila, naitala ng PAGASA ang minimum temperature na 19.6 degrees Celsius, Miyerkules ng umaga, tumaas ng bahagya kumpara sa naitalang 19.2 degrees Celsius kahapon.

 

Read more...