Halaga ng pinsala sa kalsada at tulay ng lindol na tumama sa Surigao, umabot na sa P103M

Surigao quake11Umakyat na sa P103.45 milyon ang halaga ng pinsalang iniwan sa mga pangunahing kalsada at tulay sa Surigao City, matapos ngang tumama ang 6.7 magnitude na lindol noong Biyernes.

Sa pinakahuling tala ng Department of Public Works and Highways (DPWH), patuloy na sumasailalim sa clearing operations ang mga sumusunod na lansangan:

– Daang Maharlika Road, kabilang ang Maliko Bridge, Kinabutan I Bridge at Kinabutan II Bridge

– Surigao Wharf Road

– Surigao – San Juan Coastal Road, kabilang ang Friendship Bridge at Banahaw Bridge

– Surigao – Davao Coastal Road

– At ang Magpayang – Mainit Wharf Road

Ayon sa ahensya, bagamat passable naman sa mga motorista ang mga nabanggit na kalsada at tulay, mas makabubuti pa rin anila kung iiwas ang mga mabibigat at malalaking sasakyan na daanan ang mga ito hangga’t hindi pa tapos ang pagkukumpuni sa mga crack, sirang railings at mga nabiyak na aspalto.

Kaugnay nito, nag-install na ng warning signs ang ahensya sa mga daan at naka-deploy na rin ang kanilang mga tauhan, para sa patuloy na pagsasaayos ng mga tulay at kalsada.

 

 

Read more...