SKYWAY 3 toll road, 15 minutes QC hanggang Makati

 

skyway
Mula sa inquirer.net

Kung matatapos ang SKYWAY-3 sa Abril 2017, aabutin lamang ang motorista ng 15 minutes mula Balintawak, QC hanggang Buendia Ave., Makati.

Ang toll road na ginagawa ngayon ng San Miguel Corporation at CITRA (Indonesia) ay magkokonekta sa NLEX at SLEX at kakabit din ng NAIA Expressway.

Ito ay 14.8 kilometers ang haba at nagkakahalaga ng P26.5B na binubuo ng six-lane expressway na meron pang “double deck roadway” partikular sa ibabaw ng San Juan at Quezon city.

Mula sa ginagawa na ngayong Osmena highway, liliko ito sa Quirino Avenue, Paco, Sta Mesa via Nagtahan, tuloy ng Aurora Blvd., Araneta Ave., Sgt. Rivera hanggang A. Bonifacio tuloy na sa NLEX.

Ang double deck roadway ay makikita sa Plaza Dilao, Maynila hanggang N. Domingo, San Juan at sa Quezon Ave., hanggang Sgt. Rivera, QC.

Inaasahan na aabot sa 55,000 na mga sasakyang dumadaan ngayon sa EDSA at C5 ang gagamit ng naturang lansangan partikular ang mga malalaking trak at mga pribadong motorista.

Kung susundan ang singil ng Skyways sa kanilang Makati-Alabang na may habang 16.3 kilometers ay nasa P147, ang toll road sa Skyway 3 ay inaasahang halos ganoon din ang magiging presyo.

Hinahabol umano ang naturang proyekto na matapos sa June 2016 bago bumaba sa puwesto si Pangulong Benigno Aquino III./ Jake J. Maderazo

 

Read more...