“Sodium cyanide” nagkalat sa Tianjin City, China; 112 na ang nasawi, 95 pa nawawala

 

Mula sa inquirer.net

Iniutos na ng mga awtoridad ang agarang evacuation sa mga residenteng naninirahan pa malapit sa lugar ng pagsabog sa Tianjin, China.

Ito ay matapos kumpirmahin ng mga pulis ang pagkalat ng isang nakakalasong kemikal sa lugar ng pinagsabugan.

Ayon sa mga pulis, nagkalat na ang kemikal na ‘Sodium Cyanide’ sa naturang lugar na maaaring magdulot umano ng kahirapan sa paghinga sa mga makakalanghap nito.

Samantala, hinimok naman ng presidente ng China na si Xi Jinping ang publiko na maging maingat at iwasan ang mga maaaring magdulot ng panibagong insidente ng pagsabog.

Matatandaang naganap ang malaking pagsabog sa isang junkyard ng mga sasakyan sa Tianjin China noong Miyerkules na kumitil sa buhay ng mahigit isandaan katao habang umabot naman sa 700 ang sugatan samantalang nasa 95 pa ang patuloy na pinaghahanap./ Mariel Cruz

 

Read more...