Kapatid ni North Korean leader Kim Jong-Un, namatay habang nasa paliparan sa Malaysia

 

Napatay ang half-brother ng North Korean leader na si Kim Jong-Un sa Malaysia.

Ito ang iniulat ng Yonhap News Agency at ng iba pang media outlet ng South Korea.

Batay sa South Korean government source ng Yonhap, namatay si Kim Jong Nam sa Malaysia umaga ng Lunes.

Pero bukod dito, wala nang iba pang detalye na ibinigay ang nasabing source.

Pero sa hiwalay na ulat ng TV Chosun, isang cable television network, sinabi na nilason umano si Kim sa Kuala Lumpur airport ng dalawang babae na pinaniniwalaang operatiba ng North Korea na at-large ngayon.

Gayunman, sa ulat ng Malaysian police, hindi nito kinumpirma na ang nasawi ay kapatid ng North Korean leader.

Sinabi lang sa ulat na na namatay ang isang 46-anyos na lalake na nagngangalang Kim Chol batay sa kanyang passport, habang isinusugod ito sa ospital mula sa Kuala Lumpur airport.

Isasalang naman sa autopsiya ang labi ng biktima.

Read more...