Ito ang tugon ng Palasyo sa nauna nang pahayag ni CBCP president Archbishop Socrates Villegas na nagtalaga sila ng mga bishop na makikipagtulungan sa gobyerno.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, mas mabuti kung sa una pa lamang ay naghayag na ang CBCP ng hangarin nila na makipagtulungan sa kasalukuyang administrasyon.
Bagaman tinatanggap ang plano, sinabi ni Abella na dapat manggaling ang inisyatibo sa CBCP.
Sinabi din ni Villegas na nakikipag-ugnayan na ang itinalaga nilang bishop sa ilang miyembro ng gabinete ng Duterte administration ukol sa naturang usapin.
Kabilang na dito sina Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr., Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, at Interior Secretary Ismael Sueno.