Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mina Marasigan, tanging ang munisipyo nalang ng Mainit at San Francisco ang kasalukuyang isinasaayos.
Isa sa matinding problema na kinaharap sa Surigao City matapos tumama ang malakas na lindol ay ang suplay ng tubig.
Sinabi ni Marasigan na ngayong linggo ay tuluyan nang maibabalik ang serbisyo ng tubig sa Surigao del Norte.
Samantala, sa ngayon ay umaabot na sa mahigit isandaang libong piso ang pinsalang idinulot ng lindol sa imprastraktura.
Nanatili naman sa walo ang bilang ng nasawi habang nasa 202 naman ang nasugatan.