Nakipagpulong si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa sa mga opisyal ng Korean Police para ilahad ang itinatakbo ng imbestigasyon sa kaso ng pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo.
Kasabay nito ay nakatakda ring ipasa sa Malakanyang ni Dela Rosa ang liham na ipinadala ng may bahay ni Jee.
Ayon kay Dela Rosa, nakasaad sa sulat ang kahilingan ng pamilya na hayaan na lamang ang PNP ang mag-imbestiga sa kaso.
Sa kabila nito, iginiit ni Dela Rosa na mas mapapabilis at magiging maganda pa rin ang takbo ng imbestigasyon kung magsanib pwersa ang PNP at ang National Bureau of Investigation (NBI) para maresolba ang kaso sa lalong madaling panahon.
Pero ayon kay Dela Rosa, isinumite pa rin niya ito sa palasyo upang hindi mabahiran ng anumang paghihinala kung bakit ang PNP lamang mag-iimbestiga sa kaso ni Jee Ick Joo.
CPNP Bato nakipagpulong kay Korean Police Dep Com General Kim Kiu Chan hinggil sa kaso ni Jee Ick Joo vid courtesy of PNP PIO @dzIQ990 pic.twitter.com/DSDqTL8XBZ
— ruel perez (@iamruelperez) February 14, 2017