Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald Dela Rosa ang pagdaraos ng isang kasalang bayan sa St. Joseph’s Chapel sa loob ng Camp Crame sa Quezon City.
Nas dalawampu’t isang pares ang ikinasal at si Supt. Joselito Borja, na siyang chaplain ng chapel sa loob ng PNP headquarters ang nagkasal sa mga ito.
Ginawa ang mass weding ngayong araw ng mga puso.
Nagsilbi namang ninong si Dela Rosa sa mga ikinasal na mga pulis.
Bilang ninong, may apat na mahalagang payo si Dela Rosa sa kanyang mga inaanak.
Una, dapat umano ay hindi masyadong mahigpit ang bawat isa at hindi rin masyadong maluwag.
Inihalimbawa pa ni Dela Rosa ang isang ibon na kapag masyadong mahigpit ang hawak maaari itong masakal at mamatay. Hindi rin naman aniya pwedeng masyadong maluwag dahil baka naman ito makakawala.
Maliban dito sinabi ni Dela Rosa na dapat ding magpa-under de saya ang mga mister na pulis.
Payo naman ni Dela Rosa sa mga misis, iwasang maging masyadong maka-materyal para hindi naman ma-pressure ang mga asawang pulis at maging korap.
At panghuli at pinakaimportante, dapat umanong tulungan ng mga maybahay ang asawang pulis na magsikap na maging isang huwarang pulis na maaring maipagmalaki ng kanilang mga anak.
Watch:CPNP Bato nagsilbing kupido sa 21 pares ng magsing-irog sa mass wedding sa Kampo Crame ngayong V-Day @dzIQ990 pic.twitter.com/nmxAMPZ6qg
— ruel perez (@iamruelperez) February 14, 2017