Plunder, kasama pa rin sa Death Penalty bill

death-penalty-0517Kinumpirma ni House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi na aalisin ang krimen na pandarambong o plunder sa Death Penalty bill.

Ayon kay Alvarez, isusulong niya pa rin ang plunder sa ilalim ng panukalang parusang kamatayan matapos niyang malaman ang detalye ng iregularidad sa Pagcor-Vanderwood contract.

Lalo aniya siyang naniwala na dapat manatili ang plunder sa death penalty bill dahil sa mga nabukong anomalya sa naturang kontrata.

Si Alvarez at House Majority Leader Rodolfo Farinas ay kapwa tumutol na matanggal ang plunder sa listahan ng krimen sa ilalim ng House Bill 4727, sa naganap na caucus noong nakaraang linggo.

Gayunman, namayani ang mga kongresista na pabor na alisin ang kasong plunder, sa botohan sa caucus.

Pero pagtitiyak ngayon ni Alvarez na ilalaban ng liderato ng kamara na manatili ang plunder sa mga krimen na maaaring mapatawan ng kamatayan, sa gitna ng plenary debate lalo na sa period of amendments.

 

Read more...