Inihalintulad ni Moro Islamic Liberation Front chief negotiator Mohagher Iqbal ang panibagong bersyon ng Senado sa Bangsamoro Basic Law sa isang taong walang kaluluwa.
Ayon kay Iqbal, ito ay dahil sa dami ng probisyon ng BBL na binago ni Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na siyang Chairman ng Senate Committee on Local Government.
Sinabi ni Iqbal na hindi lang walumpung porsyento kundi mahigit sa isandaang porsyento ng BBL ang inalis ng senado.
Inihalimbawa ni Iqbal ang pag-alis ni Marcos sa ‘Preamble’ na maituturing na kaluluwa ng isang batas.
Iginiit pa ni Iqbal na ang BBL ang maituturing sanang gamot sa sakit sa Mindanao na labimpitong taon nang nararanasan.
Katwiran ni Iqbal, paano magagamot ang sakit sa Mindanao kung ang ilalapat na gamot ay hindi akma sa karamdaman./ Chona Yu