Magnitude 4.9 na lindol muling tumama sa Surigao City

Photo via Ramond Maximo (Phivolcs Volcanologist)
Photo via Ramond Maximo (Phivolcs Volcanologist)

Malakas na magnitude 4.9 na aftershock ang tumama muli sa Surigao City ngayong Martes ng umaga.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig alas 4:03 ng madaling araw kanina.

May lalim lang na 11 kilometers ang lindol na naitala sa 11 kilometers West ng Surigao City at naramdaman ang magnitude 5 sa nasabing lungsod.

Ayon sa Phivolcs, ito na ang ikalawang pinakamalakas na afterschock na naramdaman sa Surigao mula nang tumama ang magnitude 6.7 na lindol noong Biyernes.

Noong Sabado kasi, nakapagtala din ng magnitude 4.9 na aftershock.

Simula kaninang hatinggabi hanggang bago mag alas singko ng umaga, umabot na sa pito ang naitatalang aftershocks sa Surigao.

Nasa pagitan ng 2.2 magnitude hanggang 4.9 magnitude ang mga naitalang aftershocks.

 

 

Read more...