Hepe ng Makati police, sinibak sa pwesto dahil sa paglaganap ng mga krimen sa lungsod

 

Makati City Police | photo via ebtenorio.wordpress.com
Makati City Police | photo via ebtenorio.wordpress.com

Pinalitan na ang hepe ng Makati City police kahapon dahil sa kabiguan nitong supilin ang dumadaming kaso ng krimen sa lungsod.

Sinibak na sa kaniyang pwesto bilang Makati City police chief si Senior Supt. Milo Pagtalunan, na isang miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class 1992.

Pagkatapos nito ay ni-reassign siya ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde sa Camp Crame.

Pumalit sa kaniya si Senior Supt. Dionisio Bartolome na miyembro ng PNPA Class 1995, at dati na ring nanilbihang personnel chief sa Police Regional Office 4-A o CALABARZON.

Mahigpit na ibinilin ni Albayalde kay Bartolome na solusyunan ang mga kasong naiwan ni Pagtalunan, lalo na ang madalas na holdapan sa mga airconditioned bus sa kahabaan ng Buendia mula pa noong Disyembre.

Inatasan rin niya si Bartolome na resolbahin ang kaso ng pagkamatay ng isang babae matapos lumaban sa mga holdaper.

Bukod sa mga ganitong kaso, napapadalas rin kamakailan ang mga pangho-holdap sa ilan pang bahagi ng Makati, partikular sa bahagi ng Chino Roces Ave.

Read more...