Presyo ng diesel at kerosene, bahagyang tataas ngayong araw

A gasoline attendant works at a gasoline station in Quezon City, suburban Manila on August 2, 2011. The Philippines plans to auction off areas of the South China Sea for oil exploration, despite worsening territorial disputes with China over the area, an official said August 2. AFP PHOTO/ JAY DIRECTO

Sa pagpapatuloy ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, magpapatupad ang mga kumpanyang langis ng bahagyang dagdag sa presyo ng diesel at kerosene ngayong araw.

Inanunsyo ng kumpanyang Petron, UniOil, Eastern, Caltex, Total, PTT, Phoenix, SeaOil, Flying V at Shell na magtataas sila ng 20 centavos sa halaga ng kada litro ng kanilang diesel.

Samantala, magtataas naman ng 10 centavos sa kada litro ng kerosene ang mga kumpanyang Petron, Caltex, SeaOil, Shell, at Flying V.

Sabay-sabay ipatutupad ng mga naturang kumpanya ang nasabing dagdag-presyo pagdating ng alas-6:00 ng umaga, maliban sa Flying V na nauna nang magpatupad kaninang 12:01 ng hatinggabi.

Read more...