Lacson kay Umali: ‘Mas maraming napapatay ang mga mandarambong’

 

Mas maraming napapatay na tao ang isang plunderer o mandarambong, kumpara sa murderer o mamamatay-tao.

Ito ang paniniwala ni Sen. Panfilo Lacson, na ginamit niyang panabla sa pahayag ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na nagsabing mas may pag-asang magbago ang isang magnanakaw kaysa isang killer.

Ayon kay Lacson, isang tao lang ang pinapatay ng isang murderer, pero dahil sa isang plunderer, mas maraming taong namamatay sa gutom bunsod ng pandarambong nito.

Ipinagtaka rin ni Lacson kung bakit kailangang tanggalin ng Kamara ang plunder sa mga kasong nasa listahan ng parurusahan ng bitay sakaling maibalik ang death penalty.

Sa ngayon ay itinuturing na heinous crime ang plunder o ang iligal na pag-kamal ng hindi bababa sa P50 milyong halaga ng pondo ng bayan, at ito ay pinapatawan ng parusang habambuhay na pagkakakulong.

Giit ni Lacson, mas marami pang capital offenses ang dapat na ipanukalang isama sa listahan ng mga paparusahan ng bitay at dapat isama dito ang plunder.

Read more...