Higit 200 scalawag cops, bibiyahe na sa Basilan

 

Malapit na umanong ibiyahe sa Basilan ang mahigit sa 200 pulis scalawags na iniharap kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang.

Ayon kay Chief PNP Ronald Bato dela Rosa, isasakay ng C130 sa Villamor Airbase ang mga nasabing pulis patungo ng Zamboanga o Basilan.

Sa ngayon, nasa proseso na umano ang PNP ng pagsasapinal sa listahan ng mga pasaway na pulis kung saan posibleng maisama na rin sa listahan ang 2 pulis na nahuli sa extortion sa lungsod ng Maynila.

Dagdag pa ni Bato, sa mga pasaway na nais magbago, magtungo lamang sila sa Villamor Airbase para mailipat sa Zamboanga o Basilan.

Pero ang ayaw naman na magpa assign sa Basilan mas mabuti na umano silang magresign.

Read more...