Jueteng itinatago sa STL kaya dapat matigil ayon kay Alvarez

Alvarez STL
Photo: Isa Umali

Ipinahihinto ni House Sspeaker Pantaleon Alvarez sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang operasyon ng Small Town Lottery o STL sa local level dahil sa pagiging ilegal umano nito.

Ipinapakansela agad ni Alvarez ang lahat ng kontrata para sa STL operations dahil kung hindi ay kakasuhan aniya ng Kamara ang PCSO sa Office of the Ombudsman.

Sa pagdinig ng House Committee on Games and Amusement, dumalo si Alvarez at agad na kinastigo nito ang mga opisyal ng PCSO.

Giit ni Alvarez, wala sa charter ng PCSO ang mag-operate ng STL sa local level kundi limitado lamang ito sa national level gaya ng lotto.

Buwelta ni Alvarez, huwag na raw magbolahan dahil halatang naghanap lamang ng justification ang PCSO para sa jueteng operation.

Katwiran pa ni Alvarez, kahit pa kumita ng malaki ang pamahalaan mula sa STL ay ilegal pa rin ang operasyon nito.

Read more...