Localized ceasefire sa NPA posible ayon sa AFP

GRP-CPP
Inquirer file photo

Pag-aaralan ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP)  ang pagsasagawa ng localized peacetalks para sa mga grupo ng CPP-NPA na nagnanais na matuloy ang usapang pangkapayapaan.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, sa ngayon pag-aaralan nila ang mungkahi basta ang importante ay mayroong ipinapakitang inisyatibo ang kabilang grupo para sa kagustuhan matuloy ang peacetalks.

Paliwanag ni Arevalo, matapos ang pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ng unilateral ceasefire ay may kaagad na nagparating ng impormasyon mula sa ilang grupo ng CPP- NPA mula sa bahagi ng Visayas na nais nilang ituloy ang pakikipag-usap sa pamahalaan.

Sa ngayon pag-aaralan na ng AFP kung paano sisimulan ang localized peacetalks na maituturing na isang malaking hamon sa kanilang hanay.

Batay sa kanilang monitoring, bibihira ang may nagaganap na engkwentro sa pagitan ng NPA at militar sa Visayas at mas marami naitatala sa Eastern Mindanao.

Read more...