Lola patay sa sunog sa Maynila

Tondo Fire
Inquirer file photo

Patay ang isang 82-anyos na lola makaraang makulong sa ika-apat na palapag ng nasunog na bahay sa panulukan ng Madrid at Moraga street sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang nasawi na si Lorenza Calimag habang nailigtas naman ang dalawa pa nitong kaanak na sina John Jeric Calimag, 21-anyos at Michelle Calimag, 45 taong gulang.

Tinataya namang aabot sa P2 Million halaga ng ari-arian ang napinsa sa sunog na tumupok sa limang bahay.

Sampung pamilya naman ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog.

Nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Arlyn Jimenez dakong 12:48 ng tanghali na umabot sa ikatlong alarma at idineklarang fire-out ganap na 1:40 ng hapon.

Nagsasagawa pa rin naman ng imbestigasyon ang mga awtoridad kaugnay sa pinag-umpisahan ng apoy sa nasabing sunog.

Read more...