Ikinatuwa ng palasyo ng malakanyang ang ideneklarang unilateral ceasefire ng New People’s Army sa mga lugar na naapektuhan ng lindol.
Ayon kay Presidential Communicatins Office Secretary Martin Andanar, sana tuparin at panindigan ng NPA ang deklarasyon at hindi na magsagawa ng mga pag ambush sa tropa ng pamahalaan.
Sa ngayon ayon kay Andanar, abala ang mga sundalo sa damage assessment, recue, evacuation at rehabilitiation activities sa mga lugar na naapektuhan ng lindol.
Sinabi pa ni Andanar na sa panahon ngayon, kinakailangan na magkaisa ang sambayanang Filipino.
Nagsimula ang itinakdang temporary ceasefire ng NPA noong araw ng Sabado, February 11 at tatagal hanggang sa February 20.
Sakop ng pansamantalang tigil-putukan ang mag lalawigan ng Surigao Del Norte, Surigao Del Sur, Agusan Del Norte at Agusan Del Sur.