Sa datos na inilabas ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas 7:00 ng umaga ngayong Lunes, umabot na sa 151 na aftershocks ang naitala sa Surigao.
Anim sa nasabing mga aftershock ang malakas o labis na naramdaman ng mga residente.
Nasa pagitan ng magnitude 2.0 hanggang 4.9 ang lakas ng mga pagyanig.
Samantala sa datos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), 1,685 na pamilya o nasa 8,425 na katao ang naapektuhan ng lindol mula sa 60 mga barangay sa Surigao City at Surigao Del Norte.
Umabot naman sa 1,555 na mga bahay ang nagtamo ng pinsala habang 130 ang totally damaged.
Ayon sa DSWD, nasa 6,369,082 na halaga ng relief assistance ang naipamahagi na sa mga lugar na naapektuhan ng lindol.
Kabilang sa dito ang mga generator sets, solar lamps, kulambo, high-energy biscuits, at mga kumot.