Temperatura sa Mt. Sto. Tomas, Benguet, bumagsak sa 7.0 degrees Celsius

Malamig na 7.0 degrees Celsius ang naitalang temperatura sa Mount Sto. Tomas, sa Tuba, Benguet ngayong Lunes ng umaga.

Sa datos ng PAGASA Baguio Synoptic Station, sa lungsod naman ng Baguio, 9.4 degrees Celsius ang minimum na temperaturang naitala.

Sa mga susunod na araw, maaring bumagsak pa umano hanggang sa 7.5 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City.

Samantala, sa Metro Manila naman, 21.4 degrees Celsius ang pinakamababang temperatura na naitala sa Science Garden sa Quezon City.

Ayon kay PAGASA Forecaster Benison Estareja, ngayong buwan ng Pebrero ang huling bugso ng Amihan, at pagpasok ng buwan ng Marso ay inaasahan na ang unti-unting paghina nito.

Sa katapusan ng Marso ay maaring magkaroon ng transition at papasok naman ang panahon ng tag-init.

 

Read more...