AWOL na pulis, arestado matapos mahulihan ng shabu sa Tondo

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Arestado ang isang AWOL na pulis sa Hermosa St., Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspect na si PO1 Ernesto Borleo Jr., dating naka-assign sa Regional Public Safety Battalion.

Kuha ni Cyrille Cupino

Ayon kay Chief Insp. Wilfredo Sy, team-leader ng Criminal Investigation and Detection Group sa Maynila, magsisilbi sana sila ng arrest warrant laban sa Top 10 Most Wanted at supplier ng shabu na si Alfred Basilisa sa Tondo, pero si Borleo ang kanilang dinantnan sa lugar.

Nakuha sa kamay ng suspect ang isang 9mm pistol, isang carbine, mga bala ng M-16, at 15 sachet ng shabu na aabot sa 75 gramo ang timbang.

Aminado naman si Borleo na kumuha siya ng shabu mula kay Basilisa.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng CIDG ang naarestong AWOL na pulis.

 

 

 

Read more...