Motorcycle rider, sugatan sa aksidente sa Roxas Blvd. Pasay City

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Sugatan ang isang lalaki matapos salpukin ang likurang bahagi ng UV express sa Northbound lane ng Roxas Blvd sa Pasay City tapat ng Midas Hotel pasado alas 6:00 ng umaga ng Lunes.

Duguan ang hindi pa nakilalang motorcycle rider at halos hindi na gumagalaw ng dumating ang rescue team mula sa MMDA.

Kuwento ng driver ng UV express na si Allan Cestroa, mabilis ang takbo ng motor ng lalaki kaya nasalpok ang likurang bahagi ng kanyang sasakyan.

Bakas naman ang lakas nang pagkakasalpok ng motor sa UV express dahil nayupi at nabasag ang windshield sa likuran ng sasakyan, habang wasak naman ang motor ng lalaki.

Nagdulot naman ng matinding trapik sa lugar ang aksidente lalo sa mga sasakyan na pababa ng Edsa flyover.

 

Read more...